Pilya, may pagkamadaldal at hindi mahiyain
Makulit, palabiro, walang arte at masayahin
Kahit sino pa ang iharap mo sa kanya
Ganun pa din sya, walang problema
Dumaan ang maraming taon
Sinubok sya ng panahon
Di inaasahang pangyayari’y nalagpasan nya
Problema’y mareresolba kahit mag-isa
Pero teka lang, bakit parang may nagbago
Yung pilya, may pagkamadaldal at hindi mahiyain dati’y nagbago
Yung makulit, palabiro, walaang arte at masayahin dati’y naglaho
Yung kahit sino pa ang iharap mo sa kanya dati ngayo’y kabado
Bakit nga ba sya nagbago?
Bakit nga ba sya nagkaganito?
Alamin mo muna ang totoo
Bago mo sya sabiha ng kung ano-ano
Lumaking computer at sarili lang madalas ang kasama
Lumaking sarili lang ang nagpapahalaga
Lumaking sya lang ang nagsasaya
Sa mga pangyayaring dapat ipagsaya
Hindi sya kasing ganda ng iba
Hindi sya kasing talino ng iba
Hindi sya kasing galling ng iba
Walang magagawa, hanggang dun lang talaga sya
Hindi sya kapansin-pansin
Simple lang sya at sa iba’y mahiyain
Sa dinami-dami ng tao ng pagdidiskitahan
Bakit sya pa ang inyong naisipan?
Hindi ba kayo napapagod sa pang-aapi sa kanya?
Hindi ba kayo nagsasawa sa pagpapahiya?
Paulit-ulit na lang ba ang mga ginagawa nyo sa kanya?
Wala na ba kayong ibang Makita maliban sa kanya?
Kasi yung inaapi at pinapahiya nyo
Sawang-sawa na sa ginagawa nyo
Napapagod at nasasaktan na sya
Lumalaban mnsan pero talo nyo sya
Tao rin sya, napapagod, nakakaramdam at nasasaktan
Hinayaan na lang kayo kahit sya’y nahihirapan
Marami kayo, wala syang laban
Kaya umiiyak na lang sya, imbes na lumaban
May pagkakataong gusto nya nang sumuko
May pagkakataong galit sya sa mundo
May pagkakataong napapa-isip sya, kung bakit ganito?
Anong kasalanan nya para maranasan lahat ng ito?
Hindi sya matapang, nagtatapang-tapangan lang
Hindi sya masaya, nagpapanggap lang
Mahina ang loob nya, yun ang totoo
Ngumingiti lang sya pero nalulungkot na sya ng todo
Hindi nya alam kung kalian at paano
Naging matapang sa lahat ng ito
Natutong bumangon sa pagkabigo
Natutong ngumiti kahit problemado
Sa kabila ng lahat ng hindi magandang pangyayari
Nabago sya ng sumubok sa kanyang pangyayari
Hindi pa man nya mapapatawad sila ngayon
Balang araw mapapatawad nya din, lahat ng umapi sa kanya noon
Nabago sya ng hindi nya kasalanan
Nabago sya dahil sa pangyayaring hindi inaasahan
Maibabalik pa kaya ang dati nyang katangian
Maibabalik pa kaya ang dati nyang nakagawian
*July 08, 2017*
One thought on “Unsaid Feelings Poetry Entry no. 2: “Sa Kabilang Bahagi ng Pagkatao””