Unsaid Feelings Poetry Entry no. 3: “Maibabalik Pa Kaya Ang Dati?”

Simulan naton sa umpisa

Simulan natin sa una nating pagkikita

Panahong di pa tayo nagkakakilala

Istranghero pa lamang ang isa’t isa

Unang araw ng pasukan

Magkasama na pala sa silid aralan

Hindi pa natin namamalayan

Hindi pa natin naiintindihan

Dumating ang araw na tayo’y nagkakilala na

Lumipas ang mga araw, tayo’y nagging magkaibigan na

Hanggang ang mga araw ay nagging lingo at buwan

Tayo’y naging matalik na magkaibigan

Naalala mo pa ba ang mga panahong magkasama pa tayo?

Panahong ipinagtatanggol mo pa ako?

Panahong magkasundo pa tayo?

Panahong pinapansin mo pa ako?

Kung hindi na, wala na akong magagawa dyan

Nakalimutan o kinalimutan mo man

Pero sana huwag mo akong kakalimutan

Huwag mo na rin sana akong iwasan

Hindi ko sinasadya, patawad sa pangyayari na iyon

Patawad, binigyan ko ng kahulugan ang mga ginagawa mo noon

Patawad kasi nahulog ako sayo

Nasabi ko pa sa truth or dare na larong sinimulan mo

Hindi ko sinasadya, patawad sa nagawa ko

Patawad hindi ko itinago ang totoo

Patawad kung naiinis ka na sa akin

Patawad kung nakukulitan ka na sa akin

Wala na ba talagang pag-asa sa dating tayo?

Pag-asang mapapatawad mo pa ako?

Pag-asang papansinin mo ulit ako?

Pag-asang maibabalik kung ano mang noon tayo?

Kung wala na talaga, hindi ipagpipilitan

Ang mga bagay na ayaw mo naman

Pero sana mapatawad mo pa ako

Sana maging magkaibigan pa rin tayo

Hindi na ako gagawa ng mga bagay na iyong kakainisan

Hindi na kita kukulitin pa man

Hindi na kita guguluhin kalian pa man

Pero kapag may problem aka, pwede mo akong lapitan

Ako pa rin naman yung best friend mo

Ako pa rin yung kalaro mo

Ako para yung kasama mo sa kalokohan noon

Hindi magbabago yun, lumipas man ang mahabang panahon

*July 09, 2017*

One thought on “Unsaid Feelings Poetry Entry no. 3: “Maibabalik Pa Kaya Ang Dati?”

Leave a comment