Unsaid Feelings Poetry Entry no. 4: “Tama na! Tama na!”

Hands up! Ayoko na!

Nakakapagod na

Nakakapagod maghintay

Sa taong hindi naman dapat hinihintay

Ayoko na! Napagod na ako

Sa kahihintay sayo

Sa pangungulit sayo

Na maalala mo ulit ako

Kinalimutan o nakalimutan mo

Hindi ko alam sayo

Basta bahala ka na sa buhay mo

Magkalimutan na lang tayo

Magkalimutan ang pala, wala nga pa lang tayo

Pangako, hindi na ako manggulo

Hindi na ako mangungulit sayo

Iiwasan na kita para wala ng gulo

Hindi na ako aasang maibabalik pa ang dati

Dahil wala namang maibabalik na dati

Hindi na kita guguluhin

Para wala ka nang problemahin

Salamat sa pagtatanggol noon

Salamat sa magagandang ginawa mo noon

Salamat sa mga alaalang lilimutin na ngayon

Kasabay ng paglimot ko sayo ngayon

*July 11, 2017*

One thought on “Unsaid Feelings Poetry Entry no. 4: “Tama na! Tama na!”

Leave a comment